Schedule ng Pagtutuli | May 8-9, 2025
May 3, 2025

Schedule ng Pagtutuli | May 8-9, 2025
Para sa mga batang lalaki na edad 9-15 na nais samantalahin ang bakasyon para makapagpatuli, magpa-register na sa pinakamalapit na Barangay Health Center sa inyong lugar.
Ang mga Barangay Health Center ay tumatanggap ng pagpaparehistro para sa pagtutuli mula Lunes hanggang Biyernes, 08:30AM-12:00NN. Pagkatapos magparehistro ay malalaman din ang schedule at venue kung san gaganapin ang pagtutuli.
I-check ang material para sa mga schedule at venue kung saan magkakaroon ng pagtutuli sa darating na linggo, May 8-9, 2025.
Lingguhan ang pag-post ng schedule ng Operation Tuli 2025 dito sa Pasig City Public Information Office Facebook Page. Mangyaring abangan na lamang po ang schedule para sa susunod na linggo. Hindi na rin po kailangan magtanong kung kailan ang inyong barangay dahil by schedule po ang posting.
–
Paalala po na sa araw ng pagtutuli ay kinakailangan na may kasamang magulang o guardian na edad 18 taong gulang pataas ang batang tutulian. Pinapakiusap din na magdala ng lumang diyaryo o manila paper. Maraming salamat po.