SCHEDULE NG PAGLIPAT NG ILANG OPISINA SA TEMPORARY CITY HALL | September 30, 2024
September 26, 2024
ABISO
Simula sa September 30, 2024 (Lunes), ililipat na sa Temporary City Hall na matatagpuan sa Eulogio Amang Rodriguez Ave., Brgy. Rosario, Pasig City, ang pagkakaloob ng lahat ng serbisyo/operasyon ng mga sumusunod na opisina ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig:
- Office of the Vice Mayor*
- Sangguniang Panlungsod* (opisina ng lahat ng mga konsehal)
- Sangguniang Panlungsod Secretariat
- City Engineering Office
- City Legal Office
- Internal Audit Service Office
Bukod sa mga nasabing opisina, magsisimula na ring magkaroon ng transaksyon sa Temporary City Hall ang:
- City Accounting Office - Bookkeeping Unit
- Office of General Services - Asset Management Division (Land and Building Management and Inventory Section)
*Kaugnay ng paglipat ng mga opisinang ito, sa Temporary City Hall na rin idaraos ang Session ng 11th Sangguniang Panlungsod simula September 30, 2024.
—-
Magkakaroong muli ng posting sa isang linggo tungkol sa mga opisina/tanggapan na susunod na ililipat sa Temporary City Hall.
Makikita sa posts na ito ang listahan ng mga opisina/serbisyo na nailipat na sa Temporary City Hall:
https://tinyurl.com/TempCityHallSept16
https://tinyurl.com/TempCityHallSept23