SCHEDULE NG PAGLIPAT NG ILANG OPISINA SA TEMPORARY CITY HALL | October 7, 2024

October 4, 2024

ABISO
Simula sa October 7, 2024 (Lunes), ililipat na sa Temporary City Hall na matatagpuan sa Eulogio Amang Rodriguez Ave., Brgy. Rosario, Pasig City, ang pagkakaloob ng mga serbisyo/operasyon ng mga sumusunod na opisina ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig:
• City Treasurer’s Office - Payroll Section (Pagador)
Commission on Audit
• Pasig City Education Department (liban sa Scholarships and Awards Section [Pasig City Scholarship Office] na mananatili sa Caruncho Ave.)
Bukod sa mga nasabing opisina, magsisimula na ring magkaroon ng transaksyon sa Temporary City Hall ang:
• City Accounting Office (liban sa Payroll at Remittance Divisions)
• Disaster Risk Reduction and Management Office*
• Office of the City Administrator*
• Office of the City Mayor*
• Persons with Disability Affairs Office*
* Ang karamihan ng serbisyo/operasyon ng mga nasabing opisina ay mananatiling nasa kasalukuyang Pasig City Hall Compound sa Caruncho Ave., ngunit mayroon na rin silang Receiving Officers na maaring tumanggap ng mga dokumento sa Temporary City Hall sa Eulogio Amang Rodriguez Ave.
Para malaman ang mga opisina at serbisyong kasalukuyang ipinagkakaloob sa Temporary City Hall, mangyaring balikan ang mga nakaraang materyal sa mga sumusunod na link: