SCHEDULE NG PAGLIPAT NG ILANG OPISINA SA TEMPORARY CITY HALL | Oct. 14, 2024
October 13, 2024
ABISO
Simula sa October 14, 2024 (Lunes), ililipat na sa Temporary City Hall na matatagpuan sa Eulogio Amang Rodriguez Ave., Brgy. Rosario, Pasig City, ang pagkakaloob ng mga serbisyo/operasyon ng mga sumusunod na opisina ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig:
-City Accounting Office
-Disaster Risk Reduction and Management Office (liban sa Requests for CCTV Viewing)
-Local Economic Development and Investment Office
Bukod sa mga nasabing opisina, magsisimula na ring magkaroon ng transaksyon sa Temporary City Hall ang:
-Office of Lone District Representative Roman T. Romulo* (liban sa Releasing)
-Office of General Services - Asset Management Division (Technical Inspection Section, Receiving, at Request for Clearance from Accountability)
-Pasig Urban Settlements Office - Urban Poor Services Division (HOA concerns at issuance ng Special Electrical Certificate for Residential Houses in Urban Poor Communities)
*Nananatiling may transaksyon sa opisina sa GAD Compound ng kasalukuyang Pasig City Hall sa Caruncho Ave.
---------
Para malaman kung nakalipat na sa Temporary City Hall ang inyong pakay na opisina, mangyaring i-check ang mga link na ito:
Kung wala ang opisina sa mga listahan, ibig sabihin nito ay nananatiling nasa Pasig City Hall sa Caruncho Ave., pa rin ang mga ito.
Samantala, maaari mag-avail ng libreng point-to-point (P2P) shuttle service mula sa Caruncho Ave. (malapit sa SpEd/SCEI) papunta sa Temporary City Hall. Makikita ang schedule ng P2P shuttle service sa link na ito: https://tinyurl.com/PCShuttleServiceSept15
Para naman makita ang commute options papunta sa Temporary City Hall, i-check ang post na ito: