"Sayaw Alay"" para sa Daang Banca Housing Project
May 2, 2025

"𝐒𝐚𝐲𝐚𝐰 𝐀𝐥𝐚𝐲"" 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐃𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐧𝐜𝐚 𝐇𝐨𝐮𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭
Isang makabuluhang ritwal ng “Sayaw Alay” ang isinagawa para sa Daang Banca Housing Project kahapon, May 1, 2025, “Araw ng Paggawa.
Isa itong simbolikong pag-aalay ng dasal, pasasalamat, at pagkakaisa ng komunidad para sa ligtas, payapa, at matagumpay na pagpapatayo ng bagong tahanan para sa mga pamilyang Pasigueño.
Magkakaroon ng mahigit 480 units sa nasabing proyekto para sa mga pamilyang magiging benepisyaryo nito na mga kasapi ng Samahang Magkakapitbahayan sa Westbank sa Barangay Rosario.
Isa sa mga reporma sa pabahay ng Pasig ang pagkakaroon ng mga Homeowners’ Association (HOA) na nakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan na matukoy ang mga pamilyang higit na nangangailangan ng pabahay. Sa pamamagitan nito, naiiwasan ang pagkakaroon ng “palakasan” sa pagpili ng mga benepisyaryo ng pabahay.
Aktibo ring nakikilahok ang mga HOA sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga programa sa pabahay, alinsunod sa prinsipyong “participative governance” na isinusulong ng kasalukuyang administrasyon.
Para maging updated sa iba pang aktibidad ng Pasig Urban Settlements Office (PUSO), i-Like, i-Follow, at i-Share ang PUSO official Facebook page.
#DaangBancaHousingProject
#PasigPabahay #Pasig #Pabahay
#PasigUrbanSettlementsOffice
#UmaagosAngPagasa
#HousingIsAHumanRight