Sa HPV Vaccine, Cervical Cancer-free ang future natin!
May 16, 2024
Ayon sa Department of Health, ang Cervical Cancer ang pangalawa sa pinakamataas na kaso ng cancer sa kababaihan edad 15-44 at pangalawa sa nangungunang cancer sa kababaihan sa ating bansa (DOH, May 2023).
Ang mga may Cervical Cancer ay maaaring makaranas ng vaginal bleeding, pagkakaroon ng mabahong discharge sa pwerta, panghihina ng katawan, at kung hindi maagapan ay maaaring magdulot ng pagkamatay.
Ngunit huwag mag-alala dahil ang Cervical Cancer ay kayang mapigilan!
Kung kayo ay mayroong anak o kamag-anak na babae na edad 9-14 taong gulang, pabakunahan sila sa pinakamalapit na health center sa inyong barangay.
Sikapin natin ang isang Cervical Cancer-free Pasig City!