Resulta ng Eleksyon ng Pasig City Civil Society Organization (CSO) Representatives sa Local Special Bodies (2022-2025) mula sa Sektor ng Homeowners Associations (HOAs) at Urban Poor

September 20, 2022

TINGNAN: Resulta ng Eleksyon ng Pasig City Civil Society Organization (CSO) Representatives sa Local Special Bodies (2022-2025) mula sa Sektor ng Homeowners Associations (HOAs) at Urban Poor
Kahapon, September 19, 2022, ay nagsagawa ng eleksyon ang mga representante ng CSOs mula sa hanay ng HOAs at Urban Poor na kakatawan sa kanilang mga sektor sa iba't-ibang local special bodies sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
Nilalaman ng material ang naging resulta ng nasabing eleksyon. Ang mga organisasyon na nakasama sa eleksyon ay mula sa mga accredited CSOs para sa taong 2022-2025 na sumailalim sa panibagong CSO accreditation process na ginawa noong Agosto 2022.
Ginagawa ito bilang isa sa mga hakbang para patuloy na buksan ang paggogobyerno sa mga tao o pagsusulong ng participatory governance sa Lungsod ng Pasig.
Ang pagkakaroon ng mga kinatawan mula sa accredited CSOs sa mga local special bodies ay alinsunod sa Local Government Code of 1991. Nakatakda sa nasabing batas na mandatory ang pagkakaroon ng representasyon mula sa hanay ng CSOs sa local special bodies para masiguro na ang mga maisusulong na programa at proyekto sa iba't ibang sektor ay tumutugon sa pangangailangan ng stakeholders dito.
Congratulations
po sa lahat ng nanalo! Inaasahan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang inyong aktibong partisipasyon sa inyong local special body na kinabibilangan.
Magkakaroon muli ng posting bukas ukol sa naging resulta ng eleksyon ngayong araw, September 20, 2022 mula naman sa iba pang sektor.