Registration for the Next Round of Pasig City Heritage and Culinary Tour

October 13, 2023



Bukas na muli ang registration para sa susunod na round ng Pasig City Heritage and Culinary Tour na mangyayari sa October 22, 2023, araw ng Linggo!

Para sa mga interesadong lumahok sa walking tour na ito, mag-register gamit ang link na: https://bit.ly/PC_HeritageTour_2023Oct22

Pagkatapos makapag-register gamit ang link, kayo ay makakatanggap ng acknowledgement e-mail at instructions para sa pagbabayad ng registration fee. Matapos ma-verify ang inyong bayad ay saka pa lamang makakatanggap ng confirmation e-mail patungkol sa tour.

Kada participant sa tour, kailangang may accomplished registration form.

—-

I-check ang material para sa ruta ng walking tour, tampok ang mga iconic na lugar sa Poblacion area ng ating lungsod.

Para mapanatiling manageable ang bilang ng participants ng ating guided walking tour, may 20 slots kada tour. [Abangan ang announcement kung kailan ang susunod na tour date!]

May registration fee para ma-cover ang entrance sa ilang pupuntahang museo at food samplers na parte ng culinary tour tampok naman ang ilang sikat na lokal na food establishments sa Pasig. 

Makakatanggap din ang mga lalahok sa tour ng 450th Araw ng Pasig Tour Kit. 

Ang programang ito ay nabuo sa pangunguna ng Office of the City Mayor at Cultural Affairs and Tourism Office, sa pakikipagtulungan sa Kabataang Tambuli ng Pasig, mga nangangasiwa ng built heritage properties ng lungsod, Simbahan, at mga nagluluto ng pagkaing lokal sa Pasig.

Ang paglulunsad ng Pasig City Heritage and Culinary Tour ay parte pa rin ng selebrasyon ng ika-450 Araw ng Pasig. 

Para makita ang naunang post kaugnay ng Pasig City Heritage and Culinary Tour, i-check ang link na ito: 

bit.ly/PasigCity_HeritageTour

#PanahonNgPasigueño