Real Property Tax Payment Advisory: December 29, 2023

December 29, 2023

REAL PROPERTY TAX PAYMENT ADVISORY
Operational ang Land Tax at Cashier sa 2/F City Hall, City Hall Annex 2 (3/F Robinsons Metro East), at San Antonio Annex (Brgy. San Antonio Hall, Malvar St.) bukas, December 30, 2023, simula 08:00AM - 12:00NN para tumanggap ng advance payment ng amilyar para taong 2024. Ito ay para bigyang pagkakataon pa ang mga interesadong taxpayers na makapagbayad ng amilyar bago matapos ang taon at makakuha ng 15% discount.
Ang makakapagbayad ng full year 2024 real property tax bago matapos ang taong 2023 ay makakakuha ng 15% discount. Applicable lamang ang discount na ito kung updated ang inyong account (walang delinquency) at walang existing na compromise agreement.