RAMDAM NA ANG KAPASKUHAN SA PASIG CITY HALL QUADRANGLE!

November 17, 2023



RAMDAM NIYO NA BA ANG PAPALAPIT NA PANAHON NG KAPASKUHAN? KUNG HINDI PA, TARA NA SA PASIG CITY HALL QUADRANGLE!

Ngayon taong 2023, ipinagdiriwang ng Lungsod ng Pasig ang ika-450 taon ng pagkakakilanlan nito. Bilang parte ng pagdiriwang na ito, isang makasaysayang selebrasyon ang hatid ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa bawat Pasigueño. Ngayong taon, ang tema ng ating selebrasyon ay Paskong Pinoy, Paskong Pasigueño!

Matapos ang tatlong taong pagkakasailalim sa restrictions dala ng pandemya, tunay na ramdam natin ang pagbalik na sa normal ngayong taon - face-to-face classes, optional na lang ang face mask - kaya naman balik na sa panahon na kapag palapit na ang Pasko, ang galaw ng bawat isa ay aginaldo sa kapwa!

Sa pagdiriwang na ito, ipinapakita natin ang makulay na buhay,  kultura, at kasaysayan ng bansang Pilipinas! Atin ding isinusulong ang mga produktong likhang Pilipino. Sa taong ito, tampok sa ating dekorasyon ang mga makukulay na abaniko -- na sumasalamin sa makulay na kasaysayan at kulturang Pasigueño at mga bulalakaw o shooting stars na pinaniniwalaan sa kulturang Pilipino na dahil hindi naman ito madalas natutunghayan sa pang-araw araw na pamumuhay, kapag nakakita ka nito, maaari kang mag-wish at ito ay matutupad! 

Kaya tara na sa Pasig City Hall Quadrangle at mag-wish sa mga bulalakaw-- este, damhin ang simoy ng Kapaskuhan!

#PanahonNgPasigueño #PaskongPasigueño