Rabies Awareness Month para sa buwan ng Marso

February 23, 2024



Para sa paggunita ng Rabies Awareness Month sa buwan ng Marso, inaanyayahan ang mga PasigueƱo sa Maybunga Rainforest Park Fitness Center, March 1, 2024, 09:00AM - 03:00PM para makapag-avail ng LIBRENG serbisyo para sa inyong alaga:
- Anti Rabies Vaccine: maaaring magwalk-in
- RFID Microchip: maaaring magwalk-in
- Kapon para sa mga Aspin at Puspin (LIMITED lamang sa 100 pre-registered pets)
***Basahin pong maigi ang instructions para sa libreng kapon***
(Paalala: Pag puno na po ang slot, automatic pong magsasara ang form.)
Ito po ay handog ng Veterinary Services Department of Pasig City, sa pakikipag-ugnayan sa Rodeo Club, Vets Love Nature, PVDA, at DLSAU Volunteer Vets.