PUBLIC SERVICE REMINDERS | May 1, 2024

May 1, 2024



PUBLIC SERVICE REMINDERS
Modified Work Schedule
Simula bukas, May 2, 2024, ay ipatutupad na ang Modified Work Schedule sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig — kung saan karamihan ng mga empleyado (90%) kada opisina ay papasok ng 07:00AM - 04:00PM; at ang natitirang 10% ay papasok naman ng 08:00AM - 05:00PM para masigurado na maipagpapatuloy ang pagbibigay serbisyo publiko. Samantala, hindi applicable ang nasabing Modified Work Schedule sa mga opisina na may ibang shifting schedule na sinusunod.
Paglipat ng Operations Mula sa Pasig Revenue Office - San Antonio Annex Papunta sa Pasig City Hall Annex 1 - Ayala Malls The 30th
Simula rin bukas, May 2, 2024 ay opisyal nang ililipat ang lahat ng operations at serbisyong ipinagkakaloob ng Pasig Revenue Office - San Antonio Annex (Malvar St., Brgy. San Antonio) papunta sa Pasig City Hall Annex (Ayala Malls The 30th). Kabilang sa mga serbisyong ililipat ay ang pagbabayad ng real property tax, at iba pang business at treasury operations at services.
Maraming salamat po.