Public Hearing on the Pasig City Comprehensive Land and Water Use Plan and Zoning Ordinance 2023

December 5, 2023

Heads up, PasigueƱos!

Magkakaroon ng Public Hearing tungkol sa Comprehensive Land and Water Use Plan (CLWUP) at Zoning Ordinance (ZO) 2023-2031 ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa darating na December 12-13, 2023 (Martes at Miyerkules sa isang linggo).

Para maging manageable ang bilang ng participants mula sa 30 barangays ng Pasig, mayroong schedule (3 batches) na nakatalaga kada barangay. 

I-check ang material para sa schedule ng inyong barangay. Bukas ito para sa lahat -- mga representante ng business sector, MSMEs, civil society organizations, o residente ng Pasig. 

Sa public hearing, magkakaroon ng presentasyon ng salient features (mahahalagang parte) ng CLWUP at ZO ng Pasig at bibigyang pagkakataon din ang mga dadalo na makapagtanong o bigay ng inputs dito.

Para sa mga interesadong dumalo, makakapag-pre-register gamit ang link na ito: https://tinyurl.com/PasigZOPublicHearing-RegForm o kaya naman ay i-scan ang QR code sa material.

Kita kits sa isang linggo!

----

Ang CLWUP ay ang plano o stratehiya ng Pamahalaang Lungsod para masiguro na maging wasto at husto ang paggamit ng limitadong kalupaan na nasasakupan ng Pasig. Ito ay dumaan sa masusing pag-aaral ng mga dalubhasa at mga opisina ng Pamahalaang Lungsod sa loob ng nakaraang dalawang taon, at ngayon ay isasangguni sa mga PasigueƱo.

Samantala, ang ZO naman ay ang instrumento na siyang nagsasakatuparan sa mga plano/stratehiya na nakapaloob sa CLWUP. Ito ay isang lokal na batas na siyang nagtatakda ng mga regulasyon ukol sa paggamit ng lupa, kagaya ng pagpapatayo ng gusali o pagsisimula ng negosyo. Isa ito sa mga ginagamit na batayan para sa pagbibigay ng Locational Clearance (na kailangan para sa pagkuha ng building permit) at Certificate of Conformance (na kailangan naman sa business permit).

Para sa iba pang detalye ukol sa CLWUP at ZO, maaaring i-checl ang link na ito: https://bit.ly/PC_CLWUP_ZO_Flyer