Public Health Advisory: MPOX
August 20, 2024
𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘: 𝐌𝐏𝐎𝐗
Kasunod ng pinaigting na surveillance dahil sa deklarasyon ng World Health Organization sa mpox (dating monkeypox) bilang isang Public Health Emergency of International Concern, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng isang bagong kaso ng mpox sa Pilipinas.
Pinaaalalahanan ang lahat na protektahan ang sarili at ang ang buong pamilya laban sa sakit at maling impormasyon.
Maging handa sa banta ng mpox: sundin at tignan ang ilang Health Reminders na nasa material.