PSA is hiring for the following positions: Census Area Supervisors, Team Supervisor, and Enumerators

May 22, 2024



Mga kapwa Pasigueño!
Nais niyo bang makibahagi sa pagsasagawa ng Community-Based Monitoring System sa Lungsod ng Pasig at mga karatig lugar nito? Ito na ang pagkakataon ninyo!
Bilang paghahanda ng Philippine Statistics Authority National Capital Region Provincial Statistical Office III (PSA NCR PSO III) sa rollout ng 2024 Census of Population (POPCEN) at Community-Based Monitoring System (CBMS), binuksan na nila ang aplikasyon para sa mga magiging Census Area Supervisors, Team Supervisor, at Enumerators.
Para sa mga Pasigueño na nais mag-apply sa mga nabanggit na posisyon, i-check ang photo #2 para sa kumpletong listahan ng qualifications at requirements.
Para makapag-apply sa mga nasabing posisyon, maaaring ipasa ang kumpletong requirements sa pamamagitan ng ALINMAN sa sumusunod na paraan:
-Personal na pagpapasa sa 746 Bagtikan St., San Antonio, Makati City
-Pag-send sa email address na ncr3@psa.gov.ph
-Pag-accomplish ng online application sa pamamagitan ng pag-scan ng QR code na nasa photo #1 o pag-click sa link na ito: https://bit.ly/2024POPCENCBMSNCR3
Kaya ano pa ang hinihintay ninyo, Pasigueños? Apply na dahil bukas lamang ang aplikasyon hanggang June 7, 2024 (Friday)!