Pride Summit 2023: ALL OUT

November 25, 2023

Mula sa matagumpay na pagsasagawa ng Pasig City PRIDE March 2023 noong June, hanggang sa katatapos na Coronation Night ng Queen of Pasig -- patuloy pa rin ang pagsusulong ng pantay-pantay na pag-asa sa Pasig!

Kaya naman, huwag ninyo munang itatago ang inyong  ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆ ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆ ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆ na ginamit sa QoP kagabi, dahil itutuloy pa natin ang rampa sa darating na PRIDE SUMMIT 2023: ALL OUT! Ituloy ang pag-agos ng pantay - pantay na pag-asa sa Pasig!

Ito ay isang araw ng selebrasyon at pagsama-sama: para sa pagsusulong ng pagkapantay-pantay ng karapatan ng mga LGBTQIA++ at paglaban sa gender-based discrimination sa ating komunidad.  

Kita-kits sa darating na Huwebes,  November 30, 2023, 04:00PM onwards, sa Pasig Sports Complex!

Walang kailangang bayaran para makapasok sa venue! Para makapag-register, sagutan ang online form na maa-access sa link na ito:

https://tinyurl.com/pridesummit2023   

Ang pagkilala sa karapatang pangtao at pagkakapantay-pantay ng bawat isa nang walang pagtatangi ay mga adbokasiya na dapat nating isulong at ipaglaban, sa pamamagitan ng inklusibong pag-gogobyerno. ๐ŸŒˆ  

Para sa iba pang detalye, i-like at follow ang Facebook Page ng Pasig City Pride Council!

Sa Lungsod ng Pasig, umaagos ang makulay na pag-asa tungo sa pagkakapantay-pantay!

#AllOutPasig

#PasigPrideCouncil