POST UPDATED: Schedule ng DSWD Social Pension Payout | September 10, 2024
September 10, 2024
Noong nakaraang linggo, September 3 - 6, 2024 nagkaroon ng pansamantalang pagpapaliban ng naka-schedule na distribusyon ng social pension dala ng masamang lagay ng panahon.
I-check ang kabuuan ng caption ng orihinal na post para sa mga link na naglalaman ng listahan ng senior citizens na makakatanggap ng social pension mula sa nasyunal na pamahalaan.
PAALALA: Hindi po lahat ng senior citizen na nakarehistro sa OSCA ay awtomatikong nagiging benepisyaryo ng Social Pension mula sa DSWD. Ito po ay para sa mga indigent na senior citizen, at ang mga nag-aapply para rito ay sumasailim pa sa validation ng DSWD.
Para sa mga katanungan, maaaring magpadala ng mensahe sa Pasig City OSCA.