People's Street sa Brgy. Kapasigan!

February 15, 2023

Madadagdagang muli ang People's Street sa Pasig!


Simula sa Linggo, February 19, 2023, kabilang na sa People's Streets ng ating lungsod ang Kapasigan Boulevard, Industria Extension na magiging eksklusibo para sa pedestrians, mga nagbibisikleta, at iba pang light personal mobility vehicles simula 06:00AM - 06:00PM tuwing araw ng Linggo. 


Kaugnay nito ay ipinaaabot din ng Barangay Kapasigan na ang nasabing daan ay magiging "No Parking Area" para mas mabigyang daan ang pagiging People's Street nito tuwing Lingo.