Pentavalent Vaccine (DPT-HEP B-HIB)

February 5, 2023

Ano ang DIPHTHERIA, TETANUS, HEPATITIS B, PERTUSSIS at HIB?


Ang Diphtheria ay malalang impeksyon sa lalamunan at ilong na maaaring magdulot ng hirap sa paghinga, sakit sa puso, paralisis, at kamatayan. [1]


Ang tetanus o tetano naman ay impeksyon na nagdudulot ng pagsikip ng muscles sa panga na maaaring ikamatay ng tao dahil sa hirap sa paghinga. [1]


Ang Hepatits B ay isang viral na impeksyon sa atay na nagdudulot ng sakit gaya ng liver cancer. [1]


Ang Pertussis o Whooping Cough ay nakakahawang sakit na nagdudulot ng tuloy-tuloy na pag-ubo. Maaari rin itong magdala ng ibang kumplikasyon gaya ng pulmonya at kombulsyon. [1]


Ang HIB naman ay isang bakterya na pangunahing sanhi ng meningitis na nagdudulot ng pinsala sa utak o maging kamatayan. [1]

*Hib - Haemophilus influenzae type b disease [1]


Upang maprotektahan ang iyong anak laban sa limang sakit:

• Siguraduhing mabigyan siya ng Pentavalent vaccine [1] sa 6, 10, 14 linggo mula pagkapanganak. [2]

• Pumunta sa inyong doktor o sa pinakamalapit na health center para sa mga kailangang bakuna ng inyong anak.


[1] UNICEF. Routine Immunization for Children in the Philippines. https://www.unicef.org/.../routine-immunization-children.... Last accessed July 13, 2022.

[2] Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines. Childhood Immunization Schedule 2022. http://www.pidsphil.org/.../11-Vol-22-No-1_Childhood.../ Last accessed July 13, 2022.

A Health Service message brought to you by PFV, MMDA, and GSK. For further information consult your doctor.

NP-PH-ABX-PPT-220003 | September 2022

Kindly forward all adverse events to GSK Philippines via ph.safety@gsk.com

© 2022 GSK group of companies or its licensor. GlaxoSmithKline Philippines, Inc.

23rd Floor, The Finance Centre, 26th Street corner 9th Avenue, Bonifacio Global City, Taguig City, Metro Manila 1634