Peace Covenant Signing tungo sa Pangangampanya at Election na may Integridad, Respeto, at Patas

March 27, 2025

Nagsama-sama ang mga kakandidato sa mga lokal na posisyon sa Lungsod ng Pasig para sa Peace Covenant Signing na pinangasiwaan ng Commission on Elections (COMELEC) - Pasig City, Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), Philippine National Police (PNP), at Armed Forces of the Philippines - Joint Task Force ngayong araw, March 27, 2025 na ginanap sa Sta. Clara de Montefalco Parish.
Dinaluhan ng mga kakandidato para sa pagka-Mayor, Vice, Mayor, at mga konsehal (para sa District 1 at District 2) ang nasabing pagpupulong kung saan ang bawat isa ay lumagda sa isang Integrity Pledge o Panata Para sa Ligtas, Tapat, Maayos, Mapayapa, Makatotohanan, at Makatarungang Halalan.
Parte ng naging programa ang pagbibigay ng mensahe ng Peace Covenant convenors na sina COMELEC Pasig - District 2 Atty Felton Sadang, COMELEC Pasig - District 1 Atty. Ronald Santiago, PPCRV Diocese ng Pasig Priest-Coordinator Fr. Loreto “Jun” Sanchez, Eastern Police Discrict PCol Villamor Tuliao, JTF-AFP Lt Crispin Malibiran, at PNP - Pasig Chief of Police PCol Hendix Mangaldan.
Ang tema ng kanilang mga mensahe ay umikot sa kahalagahan ng pagsiguro ng integridad, respeto, at pagiging pantas ngayong election season, lalo na at opisyal nang magsisimula sa local elections, bukas, March 28, 2025.
Bawat duty bearer mula sa COMELEC, PPCRV bilang accredited NGO partner ng Commission, at hanay ng mga kapulisan ay nagpahayag ng kanilang commitment para mapanatiling ligtas, tapat, maayos, payapa, makatotohanan, at makatarungan ang darating na halalan sa May 12, 2025.
HIndi man compulsory ang pagdalo ng mga kakandidato sa Peace Covenant, ang paglahok pa rin ng mga ito ay sumisimbolo sa kanilang paniniwala sa kahalagahan ng pagsusulong ng aktibidad gaya nito. Bagamat isa lamang itong ceremonial activity ay sinasalamin nito ang ideals na nirerepresenta ng Peace Covenant: ito ay deklarasyon ng bawat isa, kakandidato man o mga kawani ng Pamahalaan na kabilang sa pangangasiwa ng election, na maninidigan para sa eleksyon na may integridad, respeto, at patas.
Hinikayat ni PPCRV Priest Coordinator Fr. Sanchez ang mga kakandidato na ipahayag nang malinaw at tapat ang pangarap ng mga ito para sa lungsod at huwag dungisan ang dangal at integridad ng mga katunggali. Sa halip, ang mga kakandidato ay nararapat na maglatag ng solusyon at kanilang adhikain na magdadala ng patuloy na pag-unlad para sa Lungsod ng Pasig.
Pinaalalahanan din ni Fr. Sanchez ang lahat na ang halalan ay isang selebrasyon ng demokrasya at pag-asa para sa Lungsod ng Pasig, kaya naman dapat ay protektahan ang integridad ng "collective decision making" ng mga Pasigueño. Aniya, ang demokrasya ay hindi lamang dapat ituring na akto ng pagboto - ito ay isang opurtunidad para makalahok sa sama-samang paghulma ng kinabuhasan ng Lungsod ng Pasig.
Matapos naman ang sabay-sabay na panunumpa alinsunod sa Integrity Pledge, lumagda di lamang ang mga kakandidato, ngunit maging ang mga liderato ng mga nangasiwa ng Peace Covenant. Bilang pagtatapos, nagkaroon ng pagpapalipad ng puting kalapati, bilang simbolo ng kapayapaan.
Bago pa man opisyal na simulan ang palatuntunan ay nagkaroon ng Inter-Faith Prayer sa pangunguna ng tatlong religious group leaders. Nagkaroon din ng Intermission Number tampok ang awiting "We Are One."
Mapapanuod ang Livesteam mula sa Peace Covenant sa link na ito: https://bit.ly/PasigCity_PeaceCovenant_2025Elections