PCGH ADVISORY | Pansamantalang Pagsasara ng OB Facilities para sa Infection Control, July 5–6

July 1, 2025

PASIG CITY GENERAL HOSPITAL ADVISORY 

(Department of Obstetrics and Gynecology)

Ipinapabatid po sa publiko na isasailalim sa nakatakdang paglilinis at infection control procedures ang Obstetrics (OB) IE Room, OB Admitting Section, at OB Labor Room-Delivery Room Complex ng Pasig City General Hospital (PCGH). 

Kaugnay nito, pansamantalang isasara sa publiko ang mga nabanggit na pasilidad simula sa Sabado, July 5, 2025, sa ganap na 12:01AM, hanggang sa Linggo, July 6, 2025, sa ganap na 11:59PM.

Ang hakbang na ito ay alinsunod sa panuntunan ng Infection Prevention and Control Unit ng PCGH upang matiyak ang kalinisan, kaligtasan, at mataas na kalidad ng serbisyong medikal para sa lahat ng pasyente at kawani ng nasabing ospital.

Samantala, muling magbubukas ang mga pasilidad sa Lunes, July 7, 2025 sa ganap na 12:00MN.

Kami po ay humihingi ng paumanhin sa anumang abala na maaaring idulot nito. Lubos po naming pinahahalagahan ang pagpapanatili ng malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran sa ating ospital. 

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.