PCCH EMERGENCY ROOM ADVISORY | April 26-29, 2024

April 22, 2024

PASIG CITY CHILDREN’S HOSPITAL EMERGENCY ROOM ADVISORY
Sa darating na Biyernes, April 26, 2024, sa ganap na 06:00PM, pansamantalang lilimitahan ang operasyon at ililipat ang lokasyon kung saan nagkakaloob ng Emergency Room Services ang Pasig City Children’s Hospital. Ito ay para bigyang daan ang wall-to-wall cleaning, fumigation, at UV light disinfection sa nasabing pasilidad.
Dahil dito, ang lahat ng Emergency Room Services ay gagawin sa Outpatient Department area na tatagal hanggang sa umaga ng April 29, 2024 (Lunes).
Samantala, babalik sa orihinal na lokasyon at normal operations ang nasabing pasilidad sa April 29, 2024, sa ganap na 06:00AM.