PCCH ADVISORY | May 27, 2024
May 27, 2024
PASIG CITY CHILDREN’S HOSPITAL EMERGENCY ROOM ADVISORY
Sa darating na Biyernes, May 31, 2024, sa ganap na 06:00PM, pansamantalang lilimitahan ang operasyon at ililipat ang lokasyon kung saan nagkakaloob ng Emergency Room Services ang Pasig City Children’s Hospital (PCCH). Ito ay para bigyang daan ang wall-to-wall cleaning, fumigation, at UV light disinfection sa nasabing pasilidad.
Samantala, babalik sa orihinal na lokasyon at normal na operasyon ang nasabing pasilidad sa June 3, 2024, sa ganap na 06:00AM.