PCCH ADVISORY | August 25, 2024

August 25, 2024

PASIG CITY CHILDREN’S HOSPITAL EMERGENCY ROOM ADVISORY
Sa darating na Biyernes, August 30, 2024, sa ganap na 06:00PM, pansamantalang lilimitahan ang operasyon at ililipat ang lokasyon kung saan nagkakaloob ng Emergency Room Services ang Pasig City Children’s Hospital (PCCH). Ito ay para bigyang daan ang wall-to-wall cleaning, fumigation, at UV light disinfection sa nasabing pasilidad.
Kaugnay nito, ang lahat ng Emergency Room Services ng PCCH ay gagawin sa Outpatient Department area na tatagal hanggang sa umaga ng September 2, 2024 (Lunes).
Samantala, babalik sa orihinal na lokasyon at normal na operasyon ang nasabing pasilidad sa September 2, 2024, sa ganap na 06:00AM.