Payout ng Cash Subsidy para sa Eligible Solo Parents

October 19, 2024


TINGNAN: Payout ng Cash Subsidy para sa Eligible Solo Parents

Nasa higit 3,000 eligible solo parents ang nakatanggap ng kanilang cash subsidy mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa buwan ng Hunyo hanggang Setyembre 2024 noong Huwebes at Biyernes, October 17-18, 2024 sa Covered Court ng San Miguel Elementary School.

Inilunsad ang nasabing programa bilang parte ng selebrasyon ng Araw ng Pasig noong July 3, 2024. Ang pamamahagi ng cash subsidy na nagkakahalagang PHP1,000.00 kada buwan ay alinsunod sa Expanded Solo Parents Welfare Act  na pinagtibay ang implementasyon sa Lungsod ng Pasig sa pamamagitan ng Pasig City Comprehensive Solo Parent Ordinance. Noong July ay nauna nang ipinamahagi ang cash subsidy para buwan ng January - May 2024.

Ang Lungsod ng Pasig ang ikatlong lokal na pamahalaan sa Metro Manila na naunang nakapag-implementa ng nasabing programa. Layon nito na matulungan ang mga benepisyaryo na matugunan ang pinansyal na pangangailangan ng kanilang pamilya.

#UmaagosAngPagasa