PAUNAWA: Walang Anunsyo Ukol sa 2025 KAAGAPAY Program sa Lungsod ng Pasig

January 22, 2025

PAUNAWA

Ipinaaalam po sa lahat na WALA PANG INILALABAS NA ANUNSYO patungkol sa schedule ng KAAGAPAY Program o Katuwang sa Agarang Hanapbuhay Program ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa taong 2025. 

Ito ay kaugnay ng insidente ngayong araw sa Barangay Pinagbuhatan kung saan nagkaroon ng pagkalat ng maling impormasyon na may naka-schedule na pagbaba para sa KAAGAPAY Program na nagdulot ng kalituhan at abala sa ilang residente ng nasabing barangay. 

Sa kasalukuyan ay pinoproseso pa po ng Public Employment Service Office ang mga kailangan para makapagsagawa ng profiling kaugnay ng KAAGAPAY Program. Mangyari lamang po na antabayanan ang anunsyo patungkol dito na magmumula lamang sa opisyal na Facebook Page ng Pasig City Public Information Office. 

Pinapakiusap at pinapaalalahanan po ang lahat na ugaliing maging mapanuri sa mga nakikitang Facebook post at mga natatanggap na mensahe na may kinalaman sa mga programa ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig para maiwasan ang paglaganap ng maling impormasyon. 

Maraming salamat po.