PASKO NA SA PASIG!

November 18, 2022

PASKO NA SA PASIG!
Isang maiksing programa ang ginanap ngayong gabi, November 18, 2022 kaugnay ng Christmas Lighting Ceremony ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
Bago opisyal na nagsimula ang programa ay tumugtog ang Pasig City Band at kumanta ang Coro PasigueƱo ng mga pamaskong himig.
Nagbigay naman ng maiiksing mensahe sina Congressman Roman Romulo, Vice Mayor Dodot Jaworski, at Mayor Vico Sotto bago ang countdown ng pagbubukas ng mga pailaw para lalong makita ang Christmas decorations sa quadrangle, kahabaan ng Caruncho Avenue, Plaza Rizal, at iba pang key locations sa ating lungsod.
Sa pagdiriwang natin ng Pasko ngayong taon, BALIK SAYA.....PAGBANGON SA PANDEMYA!
Panuorin ang kabuuan ng Facebook Live ng Christmas Lighting Ceremony kanina sa link na ito: https://bit.ly/2022ChristmasLightingCeremony