#PasigHanda | Pamimigay ng Modular Tents sa 30 Barangays sa Pasig bilang Paghahanda sa Bagyong Kristine
October 22, 2024
Bilang parte ng paghahanda para sa Bagyong #KristinePH, namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig ng modular tents sa 30 barangays ng Pasig ngayong araw, October 22, 2024.
Ito ay alinsunod sa mga napagkasunduan sa mga naging pagpupulong sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod, mga barangay, mga eskwelahan sa pangunguna ng Schools Division Office of Pasig, matapos ang pananalasa ng Bagyong Carina noong July 2024 na layong pagbutihin pa ang disaster preparedness at response efforts ng lungsod.
Sa pamamagitan nito, maaari nang makapag-set up ng posibleng evacuation sites ang mga barangay bago pa man kailanganing magpalikas o para sa pagsasagawa ng preemptive evacuation.
Bahagi pa rin ito ng patuloy na pagpapalakas ng kakayahan ng mga barangay sa pagresponde sa mga emergency at panahon ng sakuna.
Matatandaang nauna nang namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa mga barangay ng fire trucks, patient transport vehicles, utility vehicles, at automated external defibrillators; at para naman sa bawat Pasigueño households, emergency go bags.