Pasig Pride 2025: Proud FairEver para sa Araw ng Pasig 2025
June 30, 2025

πππππ πππππ, ππππππππΜππ!
Matagumpay na naisagawa ang ππππ πππππ πππππ: πππππ π
πππππππ kahapon, June 29, 2025, sa Rizal High School.
Dinaluhan ito ng daan-daang miyembro ng LGBTQIA+ community, allies, non-binary individuals, at ibaβt ibang grupo at indibidwal mula sa loob at labas ng Lungsod ng Pasig.
Highlight ng nasabing selebrasyon ang pormal na pag-endorso ng Pasig PRIDE Agenda sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig, na binuo noong nakaraang Pride Summit. Ito ay magsisilbing gabay sa pagbabalangkas ng mga polisiya at programang tumutugon sa mga pangangailangan at karapatan ng LGBTQIA+ community sa ating lungsod.
Bukod dito, tampok din sa selebrasyon ang pasabog at bonggang performances mula kina Divine Divas, Russia Fox, Love Pride, Adonis, Mochagays, Madeline Band, Pow Chavez and the Joint Band, Salmo Nella, at marami pang iba.
Binigyang-buhay din ang programa ng mga kandidato ng 2025 Ginoong PasigueΓ±o at mga naging kandidato at title holder ng 2024 Queen of Pasig.
Nagbigay ng makabuluhang mensahe si Konsehala Corie Raymundo, outgoing City Councilor at Chairperson ng Committee on Gender and Development. Bilang isa sa GAD Champions ng Lungsod ng Pasig, pinasalamatan niya ang buong komunidad sa tapang, dedikasyon, at walang sawang pakikibaka para sa pantay na lipunan. Binigyang-diin niya na sa Pasig, ang bawat isa ay may pantay na oportunidad na makilahok at marinig sa pamahalaan.
Bukod kay Konsehala Raymundo, dumalo rin at nagpakita ng suporta ang ilan sa mga bagong halal na Councilors na sina Konsehal Boyie Raymundo at Konsehal Paul Senogat, kasama si SK Federation President Keil Custillas.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang Pasig City PRIDE Development Council sa pamamagitan ng civil society organization (CSO) representatives, kasama ang Gender and Development Office, na pinangunahan ni Mr. Jose Rey Q. Espina.
Ang makulay at masiglang palatuntunan para sa selebrasyon ng 2025 Pride Month ay pinadaloy ng hosts na sina Carl Locsin, Gella, Sofia Deluxe, Tasha Pantasya, Kael Mata, at Cocoa. Kasama rin sa naging host ng programa ang isa sa mga kilalang news anchor sa industriya na si KaladKaren o Jervi Wright, na lalo pang nagpasigla sa gabi ng selebrasyon.
β
Ang PROUD FAIREVER ay programa ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pangunguna ng Gender and Development Office, katuwang ang CSO representatives na miyembro ng Pasig City PRIDE Development Council.
Ang selebrasyong ito ay patunay ng pangakong itaguyod ang pagkakapantay-pantay, dignidad, at karapatan ng bawat isa, anuman ang kanilang kasarian, sekswal na oryentasyon, o pagkakakilanlan.
β
Ang PROUD Fairever ay nagsilbing pakikibahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa taunang pagdiriwang ng Pride Month, at patuloy na pagsusulong ng isang patas, pantay, at inklusibong lipunan para sa lahat.
Isa rin ang selebrasyon na ito sa mga programang inihanda ng lokal na pamahalaan kaugnay ng pagdiriwang ng Araw ng Pasig 2025.