Pasig City's Delegation to the Batang Pinoy 2024 National Championships

December 1, 2024

Nakamit ng Pasig City Delegation ang "Pursigido Award" o lokal na pamahalaan na may pinakamalaking delegasyon sa katatapos na National Championships ng Batang Pinoy.

Buong buo ang suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa nasa 765 delegado ng lungsod, na binubuo ng 618 athletes at 147 coaches, sa katatapos na Batang Pinoy 2024 National Championships na ginanap noong November 23-28, 2024 sa Puerto Princesa City.
Dahil dito, kinilala ng Philippine Sports Commission ang Lungsod ng Pasig sa ginanap na Closing Ceremony ng Batang Pinoy 2024 noong Huwebes, November 28, 2024.
Sa 30 sporting events ng Batang Pinoy 2024, lumaban at nagpakitang gilas ang mga delegado ng lungsod ng Pasig sa 29 sporting events!
Kilalanin ang mga #BagongBayaningManlalaro teams mula sa Pasig na nagdala ng karangalan para sa ating lungsod sa larangan ng iba't ibang sports!
Bukod sa athletes at coaches, kasama sa Puerto Princesa City ang 18 personnel mula sa lokal na pamahalaan at Schools Division Office ng Pasig City para matugunan ang mga pangangailangan ng ating delegasyon at ang mga ito ay makapag-focus na lamang sa kanilang mga laro.
Laban, Atletang Pasigueño —— kabilang kayo sa dahilan kung bakit patuloy na umaagos ang pag-asa (at medalya!) sa Lungsod ng Pasig!
Maraming salamat sa inyong dedikasyon at pagpupursige - maging sa napakahusay na representasyon sa Lungsod ng Pasig sa Batang Pinoy 2024 National Champsionships!