PASIG CITY SYMPHONIC BAND 23RD GRAND CONCERT
September 17, 2024
IN PHOTOS: PASIG CITY SYMPHONIC BAND 23RD GRAND CONCERT
Isang masaya at gabing punum-puno ng kantahan at sayawan ang naging pagdiriwang ng ika-23 taon ng pagkakatatag ng Pasig City Symphonic Band noong Biyernes, September 13, 2024, na ginanap sa Kaalinsabay Covered Court, Brgy. Manggahan.
Umabot sa halos tatlong oras ang naging konsiyerto tampok ang mga kanta mula sa iba't-ibang genre at panahon. Nag-perform din kasama ng banda sina Konsehal Pao Santiago at Konsehal Maro Martires sa saliw ng kantang "Heaven Knows" ng Orange and Lemons. Highlight ng naging concert ang naging performance ng "Sumayaw, Sumunod" ng VST & Co. kung saan napasayaw ang mga nanunuod ng concert na pinangunahan ng Zumba instructor ng Barangay Manggahan.
Nagpakita ng suporta sa Pasig City Band at nagbigay ng mensahe sina Mayor Vico Sotto, Konsehal Simon Tantoco, Konsehal Pao Santiago, at Konsehal Maro Martires.
Kinilala ang mga kabataang PasigueƱo na naging graduates ng Music Appreciation Program na naging parte rin ng Concert. Bukod sa mga ito, nakasama rin sa Concert ang mga dating miyembro ng banda. Nagpaunlak ng dalawang kanta (Quando Quando at Born Free) kasabay ng saliw ng musika mula sa banda ang isang retired na miyembro ng Pasig City Symphonic Band na si G. Leonardo Martinez.
Naging posible ang Grand Concert na ito sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pangunguna ng Cultural Affairs and Tourism Office, sa Pamahalaang Barangay ng Manggahan.
Hindi napanuod ang Grand Concert noong Biyernes? Balikan ang concert sa link na ito: tinyurl.com/PCSBat23