Pasig City Sports League 2024: Basketball Finals (Brgy. Maybunga vs. Brgy. Santolan)
November 13, 2024
One-all na ang laban sa pagitan ng Brgy. Maybunga at Brgy. Santolan sa Basketball Finals ng 2024 Pasig City Sports League!
Abangan ang kanilang muling paghaharap para sa Game 3 ng ating Inter-Barangay Basketball ngayong darating na Sabado, November 16, 2024, sa ganap na alas-siyete ng gabi, sa Kapitolyo Amphitheater!
Sino kaya ang mananaig sa kanilang huling matching game? Abangan!
Gayundin bilang paalala, sa panahon ng kalamidad at hindi inaasahang pangyayari na maaaring makaapekto sa pagdaraos ng basketball game, ang naunang schedule ay pansamantala munang ipagpapaliban at ililipat sa ibang mga araw.