Pasig City School's Division Office Entry para sa Isang Bituin, Isang Mithiin National Parol Making Competition
November 14, 2024
Ipakita ang suporta sa entry ng Lungsod ng Pasig sa Isang Bituin, Isang Mithiin National Parol Making Competition!
Isa ang entry ng Pasig City Schools Division Office - San Joaquin Kalawaan High School sa 148 parol entries mula sa mga pampublikong elementary at secondary schools sa buong bansa na nakapasok sa kumpetisyon na ito na pinangangasiwaan ng Office of the President - Social Secretary’s Office.
Tanging heart reactions lang sa official pages ang bibilangin.
Ang online voting ay magtatapos sa November 15, 2024, 07:00PM. Ang entry na mananalo ay magkakaroon ng 10-point advantage sa parol judging.
Kaya naman i-share na rin ang post na ito sa inyong mga kaibigan at kapamilya!
---
PAALALA:
I-click muna po ang mismong photo bago piliin ang heart reaction para po mabilang ang inyong online vote.
Maraming salamat po!