PASIG CITY ORDINANCE NOS. 18 AND 19, s. 2023
August 1, 2023
Heads up!
Para sa mga motorista na may unredeemed Unified Ordinance Violation Receipt (UOVR) na na-issue mula sa Traffic and Parking Management Office (TPMO) at Tricycle Operation and Regulatory Office (TORO) noong bago ang May 15, 2023, maaari kayong makapag-avail ng amnesty hanggang sa December 31, 2023.
Sa ilalim ng amnesty na ito na naipatupad sa bisa ng Pasig City Ordinance Nos. 18 and 19, s. 2023 ay:
-para sa violations na naitala at na-issuehan mula sa TPMO, ang basic fine at 10% penalty na lamang ang kailangang bayaran; samantala,
-para sa violations na naitala at na-issuehan mula sa TORO, ang basic fine na lamang ang kailangang bayaran.
Para ma-avail ang amnesty, magpunta lamang sa tanggapan ng TPMO dala ang UOVR o isang valid government-issued ID.
Handang magproseso ng para sa amnesty ng TPMO, Lunes hanggang Linggo, 08:00AM - 05:00PM, liban kung holiday. Para naman sa amnesty ng sa TORO, maaaring mag-asikaso ng amnesty, Lunes hanggang Biyernes, 08:00AM - 05:00PM, libang kung holiday.