Pasig City Ordinance No. 50, s. 2022

January 10, 2023



Alinsunod sa Pasig City Ordinance No. 50, s. 2022 at Electric Vehicle Industry Development Act, exempted ang mga electric vehicle mula sa number coding at iba pang uri ng unified vehicular volume reduction schemes.

Sa ordinansang ito, inamendahan ang isang section ng Pasig City Ordinance No. 23, s. 2016 (Revised 2016 Traffic and Parking Management Code of Pasig City) upang maisama ang electric vehicles sa listahan ng mga exempted na sasakyan mula vehicular volume reduction scheme. I-check ang material para malaman kung anu-ano ang kino-consider bilang electric vehicles.