Pasig City Heritage and Culinary Tour (November 26, 2023)

November 18, 2023



LAST CHANCE  NA PARA MA-EXPERIENCE ANG PASIG CITY HERITAGE AND CULINARY TOUR.....NGAYONG 2023.

Bukas na muli ang registration para sa susunod na round (huling round para ngayong 2023) ng Pasig City Heritage and Culinary Tour na mangyayari sa November 26 2023, araw ng Linggo!

Para sa mga interesadong lumahok sa walking tour na ito, mag-register gamit ang link na: https://bit.ly/PC_HeritageTour_Nov26 

Parte ng registration sa link ay pagbabayad ng PHP250.00 registration fee at instructions kung paano ito babayaran. Bukod pa rito, nasa link din ang mahahalagang detalye tungkol sa mangyayaring tour. Makakatanggap ng acknowldgement e-mail (maipapadala sa araw na may pasok sa City Hall dahil kailangan pang makumpirma kung pumasok na ang registration fee).

Kada participant sa tour, kailangang may accomplished registration form.

—-

I-check ang material para sa ruta ng walking tour, tampok ang mga iconic na lugar sa Poblacion area ng ating lungsod.

Para mapanatiling manageable ang bilang ng participants ng guided walking tour, may 20 slots kada tour. 

May registration fee para ma-cover ang entrance sa ilang pupuntahang museo at food samplers na parte ng culinary tour tampok naman ang ilang sikat na lokal na food establishments sa Pasig. Makakatanggap din ang mga lalahok sa tour ng 450th Araw ng Pasig Tour Kit. 

Ang programang ito ay nabuo sa pangunguna ng Office of the City Mayor at Cultural Affairs and Tourism Office, sa pakikipagtulungan sa Kabataang Tambuli ng Pasig, mga nangangasiwa ng built heritage properties ng lungsod, Simbahan, at mga nagluluto ng pagkaing lokal sa Pasig.

Ang paglulunsad ng Pasig City Heritage and Culinary Tour ay parte pa rin ng selebrasyon ng ika-450 Araw ng Pasig. 

Para makita ang naunang post kaugnay ng Pasig  City Heritage and Culinary Tour, i-check ang link na ito: bit.ly/PasigCity_HeritageTour  

#PanahonNgPasigueño