Pasig City Heritage and Culinary Tour

August 19, 2023



Huwag maging dayuhan sa sariling bayan!

Bubuksan na ang Pasig City Heritage and Culinary Tour para sa lahat! Gaganapin ang tour sa August 27, 2023, araw ng Linggo. 

I-check ang material para sa ruta ng walking tour, tampok ang mga iconic na lugar sa Poblacion area ng ating lungsod.

Para mapanatiling manageable ang bilang ng participants ng ating guided walking tour, may 20 slots kada tour. [Abangan ang announcement kung kailan ang susunod na tour date.]

May registration fee para ma-cover ang entrance sa ilang pupuntahang museo at food samplers na parte ng culinary tour tampok naman ang ilang sikat na lokal na food establishments sa Pasig. 

Makakatanggap din ang mga lalahok sa tour ng 450th Araw ng Pasig Tour Kit. 

Para sa mga interesadong mag-register, i-click ang link na ito: bit.ly/PC_HeritageTour

Dito rin makikita ang ibang mahalagang detalye tungkol sa tour at paraan ng pagbabayad. 

Ang programang ito ay nabuo sa pangunguna ng Office of the City Mayor at Cultural Affairs and Tourism Office, sa pakikipagtulungan sa Kabataang Tambuli ng Pasig, mga nangangasiwa ng built heritage properties ng lungsod, Simbahan, at mga nagluluto ng pagkaing lokal sa Pasig.

Ang paglulunsad ng Pasig City Heritage and Culinary Tour ay parte pa rin ng selebrasyon ng ika-450 Araw ng Pasig. Para makita ang naunang post kaugnay ng Pasig City Heritage and Culinary Tour, i-check ang link na ito: bit.ly/PasigCity_HeritageTour

#PanahonNgPasigue├▒o