Pasig City Grand Heritage and Culinary Tour
June 28, 2024
Halina’t tuklasin ang ilan sa heritage sites sa Lungsod ng Pasig sa pamamagitan ng PASIG CITY GRAND HERITAGE AND CULINARY TOUR!
Kaugnay ng nalalapit na selebrasyon ng Araw ng Pasig 2024, gaganapin ang Pasig City Grand Heritage and Culinary Tour bukas, June 29, 2024, simula alas otso ng umaga.
Layon ng walking tour na ito na mapalawak ang kaalaman ng mga Pasigueño tungkol sa heritage sites sa ating lungsod.
At ang good news? LIBRE para sa publiko ang nasabing walking tour! Ngunit para mapanatiling manageable ang bilang ng participants, lilimitahan ang bilang ng maaaring makasama.
Kaya naman sa mga nais makasali sa gaganaping walking tour, mag-register lamang sa pamamagitan ng pag-message sa Pasig City Cultural Affairs and Tourism Office Facebook Page.
Kaya ano pa ang hinihintay ninyo, Pasigueños? Tara na’t alamin ang magandang kasaysayan ng Lungsod ng Pasig!