PASIG CITY EMERGENCY GO BAG
January 28, 2024
Di lang Pamaskong Handog ang bahay-bahay ang distribusyon sa Pasig, dahil bababa muli ang teams ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig para mamahagi naman ng Emergency Go Bags!
Simula bukas, January 29, 2024, lalarga na ang distribution teams para makapaghatid ng Emergency Go Bags para sa mga PasigueƱo!
I-check ang material para sa mahahalagang paalala patungkol sa distribusyon ng Emergency Go Bag:
1. Lunes hanggang Biyernes ang posting ng schedule ng Pasig City Emergency Go Bag distribution. Ipo-post ito tuwing umaga sa mismong araw ng scheduled distribution.
2. Bahay-bahay ang distribution. Hintayin sa bahay ang distribution team.
3. Isang pamilya, isang PasigPass QR Code, isang Emergency Go Bag. Kung may tatlong pamilya sa isang bahay, tatlong PasigPass QR code ang kailangang ipa-scan, at tatlong Emergency Go Bag ang matatanggap.
4. Maghanda ng proof of identity. Bawal gamitin ang PasigPass QR code ng ibang tao.
5. Kapag walang naabutang tao sa bahay, mag-iiwan ang distribution team ng Form na may instruction kung paano maike-claim ang Emergency Go Bag.
6. May ibang schedule ng distribution ang mga condominium at mga Bliss. Nakikipag-ugnayan ang Emergency Go Bag Team sa condominium at Bliss administrators.
Hangad ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na patuloy na maging ligtas at handa sa anumang sakuna ang mga PasigueƱo.