Pasig City Comprehensive Land and Water Use Plan 2023-2031 at Zoning Ordinance (Pasig City Ordinance No. 63, s. 2024), pasado na sa Metro Manila Council

November 14, 2024

Inaprubahan ang MMDA Resolution No. 24-28, s. 2024 na pinamagatang "Endorsing For Approval and Ratification by the Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) the Comprehensive Land and Water Use Plan 2023-2031 (CLWUP) and Zoning Ordinance (ZO) No. 63, Series of 2024 of the City of Pasig" sa ginanap na Joint Metro Manila and Regional Development Council (RDC) Meeting sa tanggapan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ngayong araw, November 14, 2024.
Sa pagkakaapruba ng nasabing MMDA resolution, nangangahulugan itong papalapit na ang exciting part: ang pinal na pag-apruba ng CLWUP 2023-2031 at ratipikasyon ng ZO ng Lungsod ng Pasig matapos ng cursory review na pangangasiwaan ng DHSUD.
Ito ay matapos na ma-review ng MMDA - Office of the Assistant General Manager for Planning para masuri ang CLWUP at ZO. Nagkaroon din ng presentation ng salient features ng CLWUP at ZO sa Joint Metro Manila and RDC Meeting na pinangunahan ni Mayor Vico Sotto at dinaluhan din ni 11th Sangguniang Panlungsod Committee on Land Use Chairperson Kiko Rustia at City Planning and Development Coordinator Priscella Mejillano at team nito.
Bago pa man makaabot ang bersyon na ito sa MMDA, dumaan ang CLWUP at ZO sa Joint Technical Reviews (JTRs) na ginawa ng DHSUD, MMDA, at Pasig City Planning and Development Office (CPDO).
______
Ang CLWUP ay ang plano o stratehiya ng Pamahalaang Lungsod para masiguro na maging wasto at husto ang paggamit ng limitadong kalupaan na nasasakupan ng Pasig. Ito ay dumaan sa masusing pag-aaral ng mga dalubhasa at mga opisina ng Pamahalaang Lungsod sa loob ng nakaraang dalawang taon, at nagkaroon din ng series ng public consultations sa mga PasigueƱo noong 2023.
Samantala, ang ZO naman ay ang instrumento na siyang nagsasakatuparan sa mga plano/stratehiya na nakapaloob sa CLWUP. Ito ay isang lokal na batas na siyang nagtatakda ng mga regulasyon ukol sa paggamit ng lupa, kagaya ng pagpapatayo ng gusali o pagsisimula ng negosyo. Isa ito sa mga ginagamit na batayan para sa pagbibigay ng Locational Clearance (na kailangan para sa pagkuha ng building permit) at Certificate of Conformance (na kailangan naman sa business permit).
Opisyal na naaprubahan ang CLUWP sa Lungsod ng Pasig sa bisa ng Resolution No. 223-11, s. 2024 at Ordinance No. 63, s. 2024 para sa ZO.