Pasig City Children's Hospital Emergency Room Advisory

September 27, 2024

PASIG CITY CHILDREN’S HOSPITAL EMERGENCY ROOM ADVISORY

Simula 06:00PM ngayong araw, September 27, 2024, pansamantalang lilimitahan ang operasyon at ililipat ang lokasyon kung saan nagkakaloob ng Emergency Room Services ang Pasig City Children’s Hospital (PCCH). Ito ay para bigyang daan ang wall-to-wall cleaning, fumigation, at UV light disinfection sa nasabing pasilidad. 

Kaugnay nito, ang lahat ng Emergency Room Services ng PCCH ay gagawin sa Outpatient Department area na tatagal hanggang sa umaga ng September 30, 2024 (Lunes). 

Samantala, babalik sa orihinal na lokasyon at normal na operasyon ang nasabing pasilidad sa September 30, 2024, sa ganap na 06:00AM.