Participatory Barangay Development Planning - Phase 2 sa Lungsod ng Pasig, kasado na!
May 5, 2025

๐๐๐ซ๐ญ๐ข๐๐ข๐ฉ๐๐ญ๐จ๐ซ๐ฒ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐๐๐ฏ๐๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐ฅ๐๐ง๐ง๐ข๐ง๐ - ๐๐ก๐๐ฌ๐ ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ , ๐ค๐๐ฌ๐๐๐จ ๐ง๐!
Sumailalim sa Facilitators Training ang nasa 42 kinatawan mula sa mga Sangguniang Kabataan, miyembro ng youth development council, youth organizations, at youth-serving organizations sa Lungsod ng Pasig noong April 28 - 30, 2025, para sa ikalawang Phase ng implementasyon ng Participatory Barangay Development Planning (PBDP).
Sa tulong ng Department of the Interior and Local Government - Pasig Field Office, Institute of Politics and Governance, at Advocacies in Praxis for Leadership and Community Development Inc., naikasa ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang pagsasanay para sa mga tatayong facilitators sa susunod na round ng PBDP na ibang barangay naman sa Pasig ang magiging coverage.
Matatandaang noong 2024, ipinilot ang PBDP sa limang barangay: Kapitolyo, Manggahan, San Miguel, Santolan, at Sto. Tomas. Gamit ang mga naging karanasan at natutunan mula sa unang roll out/pilot ng PBDP, mas pinaigting pa ang nasabing programa para sa Phase 2 nito.
Kaugnay pa rin ito ng patuloy na pagpapalawig pa ng partisipasyon ng mga Pasigueรฑo sa paggogobyerno, lalo na sa pagpaplano para sa patuloy na pag-unlad ng Lungsod ng Pasig, hanggang sa level ng mga barangay.
Para masiguro na maayos na maibababa ang PBDP sa mga barangay ay nagkaroon ng Facilitators Training kung saan nagkaroon ng pagtuturo ng theory at concepts ng participatory local governance hanggang sa mga barangay; mga hakbang para sa pagsasagawa ng Barangay Development Planning; makapagbigay ng pagsasanay para sa paggamit ng iba't ibang tools para sa data gathering, problem analysis, prioritization, at planning; at maiplano na rin ang magiging roll out ng Phase 2 sa susunod na target barangays.
---
Sa ilalim ng proyektong ito ay ibababa ang ang konsepto at practice ng community-based planning sa mga barangay โ kung saan sinisiguro na may aktibong partisipasyon ang mga residente/komunidad sa proseso ng development planning sa kanilang mga barangay. Ang PBDP ay isang "bottom-up approach" kung saan binibigyang diin ang kaalaman sa tunay na kalagayan sa mga barangay, community ownership, at aktibong partisipasyon ng mga mamamayan sa development process.
Layon nito na magkaroon ng sustainable na development plans sa mga barangay na tutugon sa totoong pangangailangan ng mga nasasakupan nito at kinokonsidera ang resources na mayroon ito para magbigay daan sa pagkakaroon ng sense of community empowerment at sa kalaunan ay magkaroon din ng "shared responsibility" ang mga pamahalaang barangay at mga residente nito tungo sa pag-unlad ng kanilang mga barangay.
โโ
Sa level ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ay ginagawa na ang participatory development planning, kung saan may mga umuupo bilang miyembro ng mandated local special bodies (katulad ng City Development Council, City School Board, City Health Board, at iba pa) na mga representante mula sa hanay ng civil society organizations (CSOs) na nagsisilbing boses ng mga ordinaryong Pasigueรฑo sa paggogobyerno.
Bukod sa local special bodies, kasali rin ang CSOs sa pagbalangkas ng Annual Investment Program (AIP) ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig โ kung saan sila ay nakakagawa na rin ng project proposals (mga programa, proyekto, at aktibidad) na ipinapasa sa iba't ibang tanggapan/departamento ng City Hall, para sa kanilang konsiderasyon sa pagbuo ng AIP ng kanilang mga departamento/opisina. Parte rin ang CSOs sa pagbigay ng inputs sa pag-prioritize sa mga programa at proyekto ng mga departmento/opisina. Kaya naman ibinababa na rin ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang konsepto ng participatory development planning sa mga barangay.
โโ
Excited ka na rin ba para sa Phase 2 ng PBDP? Manatiling nakatutok sa Facebook Page ng Pasig City Public Information Office para sa susunod na updates, lalo na para sa susunod na mga barangay na ico-cover para sa Phase 2 nito!