Pansamantalang Hindi Aktibo ang Pasig City Emergency Hotline sa Marso 6
March 5, 2025

PASIG CITY EMERGENCY HOTLINE
ADVISORY
Simula 09:00AM bukas, Huwebes, March 6, 2025, pansamantalang hindi matatawagan ang Pasig City Emergency Hotline (8643 0000).
Ito ay kaugnay ng paglilipat ng tanggapan ng Disaster Risk Reduction and Management Office.
Inaasahang aabot ng higit sa limang oras ang pag-aayos ng koneksyon at system kaya naman maaaring tumawag sa mga sumusunod na numbers para sa pag-report ng emergencies:
Smart: 09622521094
Globe: 09929811026
Pasig Ka text: +63 908 899 3333 (text only)
Magkakaroon ng anunsyo sa oras na maaari nang matawagan muli ang Emergency Hotline.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.