PANOORIN: Mensahe mula kay Mayor Vico Sotto para sa pagdiriwang ng National Lung Month ngayong buwan ng Agosto na may temang: Hingang Ginhawa kapag Healthy Lungs ang Buong Pamilya.

August 8, 2024

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Lung Month, ang City Health Department (CHD) ay may programa ngayong araw, August 8, 2024 na maghahatid ng libreng serbisyo tulad ng chest x-ray at magbibigay ng lectures patungkol sa kahalagahan ng pag-iwas sa paggamit ng sigarilyo at vape na maaaring magdulot ng Tuberculosis.
Ang launching activity na ito ay sa Rosario Boulevard, Barangay Rosario, na nagsimula kaninang 08:00AM at magtatapos mamayang 03:00 PM.
Kasunod nito, iikot din ang CHD sa iba pang mga barangay upang masiguro ang access ng bawat Pasigueño sa serbisyo na ito.
Sama sama po tayo sa pagsulong, “Para Healthy Pilipinas, Pa-Check ka Lungs”. Panoorin ang mensahe ni Mayor Vico sa link na ito: https://www.facebook.com/pasig.healthpromotion/videos/806178228380243