Panawagan para sa pamilya o kamag-anak ni ALBERTO ACOSTA HONRADA

May 1, 2024

PANAWAGAN
Tinatawagan ng pansin ang pamilya o kamag-anak ni ALBERTO ACOSTA HONRADA, 79 years old.
Si G. Honrada ay dinala sa Pasig City Children’s Hospital (PCCH) ng isang Barangay Official ng Caniogan noong April 16, 2024. Batay sa nakalap na impormasyon ng PCCH, si G. Honrada ay mag-isang namumuhay at walang permanenteng tinutuluyan sa Brgy. Caniogan.
Ayon sa pasyente, siya ay may kamag-anak sa Caniogan, subalit nang makipag-ugnayan ang PCCH sa pamunuan ng nasabing barangay para sadyain ang kanyang binigay na address, ayon sa mga residente nito ay hindi na raw nakatira ang mga ito sa nasabing lugar.
Ayon din sa ilan pang nakausap ng PCCH, nasa Bulacan ang kanyang pamangkin at sa Cavite naman nakatira ang kanyang kapatid. Hindi rin alam ng pasyente ang eksaktong address ng kanyang mga kamag-anak sa Bulacan at Cavite.
Sa mga kapamilya o kamag-anak ni G. Honrada, mangyari po lamang na makipag-ugnayan sa Medical Social Service Section ng Pasig City Children’s Hospital (Child’s hope)/ Pasig City Covid-19 Referral Facility o tumawag sa numerong 8643-2222 loc. 110 / 09517273648.
Maraming salamat po.