Panawagan mula sa Pasig City Children's Hospital: Elginia R. Elaran

December 30, 2023

PANAWAGAN
Nananawagan ang Pasig City Children’s Hospital (PCCH) para mahanap ang pamilya/ kamag-anak ng kanilang pasyente na si ELGINIA R. ELARAN, edad 69 taong gulang.
Si Gng. Elginia po ay na-rescue sa may Ramos Chapel East Bank Road, Brgy. Rosario, Pasig City bandang 8:00PM ng December 22, 2023. Siya po ay dinala sa Emergency Room ng PCCH/ Pasig City COVID-19 Facility lulan ng Brgy. Rosario Ambulance noong December 23, 2023, bandang 12:01am.
Ayon sa Senior Citizen’s ID mula sa OSCA na nakita sa pasyente, siya ay nakatira sa A. Rodriguez Ave., Brgy. Manggahan, Pasig City. Nakipag-ugnayan na ang PCCH sa Barangay Manggahan kaugnay dito at kanilang pinuntahan ang nasabing address ngunit ang mga residente raw nito ay lumipat na ng inuupahan sa Mandaluyong City.
Kung kayo po ay may impormasyon na nais ibahagi patungkol sa pagkakakilanlan ng pasyente, mangyari po lamang na makipag-ugnayan sa Medical Social Service Section ng PCCH (Child’s Hope)/ Pasig City Covid-19 Referral Facility o tumawag sa numerong 8643-2222 loc. 110 / 09517273648 / 09517273652.
Maraming salamat po.