Panawagan mula sa Pasig City Children's Hospital
December 4, 2023
PANAWAGAN
Nananawagan ang Pasig City Children’s Hospital (PCCH) para mahanap ang pamilya o kamag-anak ng kanilang pasyente na isang lalaki, tinatayang nasa 60 - 65 taong gulang, kayumanggi, nakasuot ng light blue shirt, black na pants pang ibaba, at walang suot na sapin sa paa.
Siya po ay dinala ng Pasig Emergency Unit noong November 19, 2023 (Linggo), 02:40PM sa Emergency Room ng Pasig City Children’s Hospital/Pasig City COVID-19 Facility.
Sa kasamaang palad siya ay binawian ng buhay nang walang pagkakakilanlan. Siya ay natagpuan sa may Pasig City Hall, malapit sa Pasig Central Post Office, Caruncho Ave.
Kung mayroong may impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan ng nasabing pasyente, mangyari po lamang na makipag-ugnayan sa Medical Social Service Section ng Pasig City Children’s Hospital (Child’s Hope)/Pasig City COVID-19 Referral Facility o tumawag sa numerong 8643-2222 loc. 110 | 09517273648 | 09517273652.
Maraming salamat po.