Pamahalaang Lungsod ng Pasig, Nakikiisa sa Selebrasyon ng 2025 National Women's Month
February 28, 2025

Kaisa ng Philippine Commission on Women (PCW) ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa selebrasyon ng National Women’s Month sa buwan ng Marso na may sub-theme na: Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas.
Ang sub-theme para sa taong ito ay kaugnay pa rin ng umbrella theme para 2023-2028 selebrasyon ng Women’s Month na: WE for gender equality and inclusive society.
Para sa iba pang detalye tungkol sa magaganap na selebrasyon ng National Women’s Month sa Lungsod ng Pasig sa buong buwan ng Marso, i-follow ang official Facebook Page ng Pasig City GAD Office (https://www.facebook.com/PasigCityGADOffice).
—
Ayon sa PCW, ang pagpapakahulugan sa WE na nasa tema ay WOMEN at EVERYONE — na binibigyang diin ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga kababaihan at ng bawat isa para maitaguyod ang gender equality.
Ibig sabihin din ng WE sa tema ay Women's Empowerment — na magiging posible lamang kung ang lahat ng institusyon, pribado man at publiko, sa nasyunal at lokal man na lebel ay magtutulungan para makapagbigay ng mga oportunidad sa mga kababaihan.