Pamahalaang Lungsod ng Pasig, nakamit muli ang Seal of Protection - Gold Award mula sa GSIS

November 28, 2024

Sa pangalawang pagkakataon, ginawaran ng Government Service Insurance System (GSIS) ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig ng Seal of Protection - Gold Award sa ginanap na The 2024 GSIS Seal of Protection Awards | Pagpupugay sa mga Kaagapay ng GSIS ngayong araw, November 28, 2024 sa GSIS Gymnasium.
Isa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa apat na government institutions sa buong bansa na nakatanggap ng nasabing award, ang pinakamataas na antas ng Seal of Protection Award.
Tinanggap nina City Administrator Atty. Jeronimo Manzanero, Office of General Services (OGS) Head Ms. Ruth Romano, at mga kinatawan ng OGS - Asset Management Division ang Seal of Protection Award para sa Lungsod ng Pasig. Ang OGS ang tanggapan sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig na nagsisiguro na ang mga pagmamay-ari ng lungsod ay mayroong insurance.
Matatandaang isa rin ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa dalawang lokal na pamahalaan na kauna-unahang ginawaran ng Seal of Protection - Gold Award noong una itong ipinagkaloob noong 2023.
Ang pagkakakamit ng nasabing award ay pagpapatotoo lamang na sa Lungsod ng Pasig, tunay na pinahahalagahan ng lokal na pamahalaan ang public resources na mula sa ibinabayad na buwis ng mga mamamayan: assets, equipment, property, at iba pang pagmamay-ari nito, sa pamamagitan ng pagsasailalim sa mga ito sa insurance policy ng GSIS.