Pamahalaang Lungsod ng Pasig, isa sa mga benepisyaryo ng Government Quality Management Program (GQMP) ng nasyunal na pamahalaan; journey to ISO 9001:2015, sinisimulan na
May 7, 2024
Isang orientation tungkol sa ISO 9001:2015 Quality Management System (QMS) ang isinagawa noong April 29, 2024, sa Maybunga Rainforest Park na pinangunahan ng Development Academy of the Philippines (DAP).
Sa ilalim ng technical assistance (TA) na ito, tutulungan ng DAP ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig para makapag-develop ng isang QMS Certifiable to ISO 9001-2025 Standard. Ang TA na ito na tatagal ng walong buwan ay makakatulong sa Pamahalaang Lundsod ng Pasig para makapag-establish ng QMS at makapagsulong din ng "process improvements" para mapabuti ang pagbibigay nito ng serbisyo sa external at internal stakeholders.
Isa lamang ang orientation na ito sa series ng activities na kabilang sa "road-to-QMS" ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig. At dahil tatagal ito ng nasa walong buwan, parte ng naging orientation ang paglagda ng "Pledge of Commitment" ng mga kinatawan mula sa mga departamento/opisina ng Pamahalaang Lungsod — bilang pagsimbolo sa kanilang pagsuporta at "commitment" ng mga ito para pagbuo ng QMS.
Isa sa mga commitment ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ay ang pagkakaroon ng QMS Core Team na siyang makakaagapay ng DAP sa pagsiguro na magagawa ang required activities, workshops, at outputs kaugnay ng GQMP TA.
——
Ang GQMP ay programa ng nasyunal na pamahalaan na isa sa mga layunin ay mapabuti pa ang serbisyo publiko na ipinagkakaloob ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng ISO 9001:2015 Quality Management System (QMS) sa lahat ng ahensya at sangay nito. Isa sa mga mekanismo ng GQMP ay magbigay ng TA sa mga sangay ng pamahalaan na may kagustuhang makakuha ng ISO 9001:2015 QMS Certification.
Para mapasailalim sa TA na ito, ia-assess ng Government Quality Management Committee, isang inter-agency committee na binubuo ng Department of Budget and Management, Department of Trade and Industry, Department of the Interior and Local Government, Office of the President - Internal Audit Office, at Development Academy of the Philippines, ang Expression of Intent mula sa mga potensyal na beneficiary agencies, at para sa taong 2024, isa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa mga napiling maging beneficiary agency ng TA!